batabatuta blog


…aNg bUhAy nG iSaNg pInOy sA tAtE…
March 10, 2008, 10:07 am
Filed under: senti-sentihan

Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America Ka…

Akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil
credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamitng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano. Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.


Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalaka d ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America. (sabi nga nila…”walang ganyan sa states”).


Akala nila masarap ang buhay dito sa America. Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din sila maghanap buhay pangbayad ng bills nila.

Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disney, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo namnamin ang

10 hours na sweldo mong pinangbayad sa tiket.


Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pag pinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa America. Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America, ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa America $5.00, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa pilipinas, sa America $1,000.

Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo.

Madaming naghahangad na makarating sa America. Lalo na mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng hindi lang sa America.

Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan
mo ding magbanat ng buto para magsurvive ka sa ibang bansa. Isang
malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot ang pera dito. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan..

 


8 Comments so far
Leave a comment

I found your site on technorati and read a few of your other posts. Keep up the good work. I just added your RSS feed to my Google News Reader. Looking forward to reading more from you.

Aaron Wakling

“really? thanks!!!…and thanks also for dropping by..see you soon and kip in touch!!!!”

Comment by Aaron Wakling

oo naman. nya hahahahahaha!

“yeah ryt…bwahahahaha”

Comment by denztarca

tama ka diyan.. laging sinasabi yan ng tatay ko na nagtatrabaho diyan sa states.. pero sa kahit anung lugar ka pa man nagtatrabaho, basta matiyaga ka at may konting swerte, malamang e yayaman ka din..

“sana nga te tama ka yumaman ako,….hehehehe..haysz…napakabata ko pa pu cguro para kumayod ng husto…haysz tlaga…lam mu po bng i found your blog interesting..hehehe..yaan mu magiging madalas na ang pagbisita ko dun….hahahaha…in a way kasi napapatawa mu ako..hahahaha..keep it up te…”

Comment by linglingbells

tama ka jan! i always believed that CASH is better than credit. ^^

PLUG: hi guys! marami pong mga bagong postings na naman ang TOP! medyo late ang amin release lately pero i think kahit papaano nakabawi naman kami. nga pala, we need graphic artist and beta reader for TOP. kung may kakilala kayo, feel free to drop by at http://tagalogonlinepocketbook.wordpress.com/ – thanks!

“CASH will always be better than credit…heheheh..sige te, check ko po site mo…thanks for dropping by at my site.”

Comment by foobarph

ilang taon ka na ba?? bakit nagttrabaho ka na kagad jan?? curious lang ako.. hehe

“bata pa po ako…kea nga batabatuta eh..hehehe…11 years old lng po ako..turning 12 this april..hehehehe..di nmn po ako working dun..hmmm…sabihin na nting opinyon lng yang mga pinasususulat ko sa blog ko…hehehehehehe…thanks for dropping by ate linglingbells….”

Comment by linglingbells

talaga??!! mag-ttwelve ka pa lang??!!! ang bata mo pa, grabe!!! balik-balik ka din sa site ko ha.. :) bagong entry naman diyan.. hehe!

“di ba kapani-paniwala ate???hehehe…uu nga eh..mejo wla pang maisip eh..kagagaling ko lang sa site mo..nag-answer ako ng guessing game mo..di ko nga po alm kung nanalo na ako ng papremyo mo eh..hehehehhe…aantay ko pa po reply mo…hehehe…”

Comment by linglingbells

grabeh.
tama ka sis.
madami silang akala..
baka mamatay sila sa akala..
haha

“hehehe..uu nga puro po sila akala…hehehe..pero wag naman po sana mamatay sila sa akala…mahirap po un…akalain mu yun…hehehehe…apir”

Comment by ezrahlaurifer

KOREK!! KORAK!!! KOrak!!! teka nga, TWELVE years old ka palang!!!!?????…panu ka napunta sa tate ah?!..parents mo nagwowork jan?..o tsina-child labor jan?!…heheh

“hehehehe..apir..di pa ako nakapunta ng states at di rin ako tsina-child labor ng parents ko…hehehehe….sabi lng yan ng isang tito ko sa akin..kaya ayun ang ending.,..sinulat ko sa blog ko..hehehe..apir!!!”

Comment by randomdemeanor




Leave a comment
Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>