Filed under: senti-sentihan
Dear Diary,
NOON….hindi ako naniniwala sa’yo. Ang sabi ko kalokohan ka lang. Marami kasi akong kaibigan na nahihingahan ko ng sama ng loob. HINDI KITA KAILANGAN!!! Pero ngayon, napagtanto kong wala ng nagmamahal sa akin. Wala na dahil tuyot na ang dati kong makinis na balat, maitim na ang dati kong mapupulang labi, humpak na ang mukha kong minsa’y kinabaliwan ng maraming mga ADAN. Ang aking nagkikislapang kwintas ay napalitan na rin ng nanlilimahid na banil na di ko na magawang linisin bunga ng aking katandaan. Ang dati kong matitibay na ngipin na parang estrelya sa kaputian ay nanilaw nang tulad ng mga dahong unti-unting nabubulok. Ang aking mga matang dati ay nakangiti, ngayon ay malamlam at nanlalabo bunga marahil ng pitumput-walong taong batbat ng pagsubok sa buhay. Maputi na rin ang aking buhok na tanda ng di-mabilang na kabiguang sa akin at dumating.
Tandang-tanda ko pa noon dear diary, masaya kaming mag-anak na namumuhay. Walang problema. Dalawa lang kaming magkapatid pero may asawa na si kuya. Ako, nasa second year high-school noon. Isang matinding dagok ang dumating sa amin. Inatake sa puso si ama nang magkatanggalan ng trabahador sa pabrika nila. Lubhang dinamdam ni ina ang nangyari kay ama. OO, pinilit niya akong tinaguyod pero hindi niya kinaya eh. Dito ko naranasan ang matinding hirap. Ang sabi ko, kaya ko ang lahat ng ito! Pinilit ko pa ring mag-aral kahit na lakarin ko papuntang eskwela. Ang almusal ko noon “kanin na siabawan ng kape”, champorado na sa akin ‘yon. Minsan pumapasok akong walang laman ang sikmura kundi hamog ngunit ang dibdib ko’y tila maeempatso na sa kabusugan ng sama ng loob. Pag tanghalian, nagpupunta nalang ako sa ilalim ng puno ng mangga at nagbabasa ng aklat para hindi ko maramdaman ang gutom. Minsan pumapasok akong gusot ang uniporme. Biniro nga ako ng isa kong kaklase, “EM, (siyempre initial lang) ang alam ko puti ang uniporme natin eh bakit ikaw “dilaw” ang sa’yo?” sabay tawa ng nakakaloko. Awang-awa ako sa sarili ko noon pero ng tingnan ko ang sarili ko lalo akong nanlummo dahil bukod sa naninilaw na ang uniporme ko, kulang-kulang pa ang butones. Umuwi akong nahihilam ang mga mata sa luha. Pero ang lalong masakit, pag-uwi ko sa bahay, punong-puno ng “liwanag” ang buong kabahayan, punong-puno rin ng tao! WALA NA SI INA! Naging mahina siya, hindi niya kinaya ang pagkawala ni ama. Gusto kong magwala pero hindi ko magawa. Ang katawan ko’y mistulang lantang gulay…pagod na pagod. Matapos ang libing, umalis na ako sa inuupahan naming bahay at nagpasyang puntahan si kuya sa Maynila upang doon makitira. Subalit nabigo ako, nalaman kong nakatira pala sila sa mga magulang ng asawa ni kuya kaya walang nagawa ang kapatid ko upang kupkupin ako. Ang sabi ko, “Ang sakit naman, pati kapatid ko tinatanggihan ako”.
Hanggang sa mapadpad ako sa isang lugar na hindi ko alam, ang natatandaan ko, may rebulto si Jose Rizal. Gutom na gutom na ko at naninikip na ang aking kalamnan. Buti nalang at may natira pa akong barya sa bulsa. Nakakita ako ng isang tindahan. Gusto ko sanang bumili ng sopdrink at tinapay pero hindi pala kasya. Ang sabi ko sa tindera, “Sige poi sang hopia nalang.” Hanggang sa makilala ko si Delia habang ako’y nakaupo sa isang upuang bato. Ang ganda-ganda niya sa suot niyang kulay pulang damit na tinernohan ng nagkikintaban niyang alahas. Ikinuwento ko ang lahat sa kanya. Dahil dito’y inalok niya ako ng “trabaho”. Natuwa ako noong una, ang sabi ko sa wakas may dumating na anghel sa buhay kO! Dinala niya ako sa isang lugar, ang sabi niya “MABINI” raw yon. Binihisan niya ako, inayusan, pinaliguan at binigyan ng pabango. Ang sabi ko, ang swerte-swerte ko naman dahil may nag-aalaga sa akin. Hanggang sa ipasok niya ako sa isang madilim na lugar. Maraming tao, iba-iba. Nakakahilo ang usok at halos lahat sila’y amoy alak. Dito ko nalaman kung anong uri ng trabaho mayroon si Delia.
Dear diary, KAPIT AKO SA PATALIM, napilitan akong sumama sa isang lalaki noon ko lang nakita. Ang sabi niya bibigyan daw niya ako ng pera. Masaki tang nangyaro sa akin ng gabing iyon. Iyak ako ng iyak habang ang dugo’y patuloy na tumatagas sa aking mga hita. Mahapdi…hindi ako makakilos. Pagkatapos noon, ang lalaki’y dumukot ng salapi sa kanyang pitaka. LIMANG LIBONG PISO. Naluha ako. Ito ba ang halaga ng aking dangal? Napakamura naman. Nag-isip ako, ang sabi ko “PUTANG-INA!” hindi ko ginustong maging puta pero kailangan kong mabuhay, kailangan kong gamitin ang utak ko!
Magmula noon hindi ko na mabilang ang dami ng lalaking nagpasasa sa kandungan ko. Ang dami ng lalaking pinaikot ko sa aking palad. Lintek! Ginagamit nila ako, gagamitin ko din sila. Iba-iba sila, may mayor, gobernador, at senador. Ha! Kailangan kong pag-igihan, kailangan lasingin ko sila sa bango ko, aliwin sa indayog ng aking beywang sa entablado upang kahit papaano’y may mamantikaan ang aking mga labi ng mga yamang kanilang tinatamasa.
Pero ang lahat pala ay may katapusan. Kasabay na inagos ng panahon ang aking kabataan. Ang mga kuko kong dati’y kulay pula ngayo’y naninilaw na at walang buhay. Hindi na ako makasayaw dahil sa rupok ng aking mga buto sa balakang. Ang aking matamis na laway ay napalitan na ng namumuong mga “plema”. Hindi na mabakas sa aking kasikatan noon sa Club. Mabigat na ang talukap ng aking mga mata. Barado na ang aking mga tenga na marinig pa ang daloy ng mga sasakyan.
Wala ng tumatanggap sa akin, LAOS na raw ako! Sayang, hindi rin kasi ako nakakita ng lalaking ibabahay ako’t iibigin ng tapat.
Ngayon Dear diary, nandito ako sa lugar kung saan ako unang napadpad. Ang lugar kung nasaan ang rebulto ni Jose Rizal. Hukluban na ako, namumutla, nanlulupaypay. Ngayon nanlilimos nalang ako, limos na pinambibili ko ng sopdrink at hopya na hindi ko nabili noon. Ang sakit dahil nabubuhay na lamang ako sa panghihingi sa mga tao. Burado na ako sa kasaysayan ng mga normal na nilalang. Ang DIYOS? KILALA BA AKO NG DIYOS DEAR DIARY?
14 Comments so far
Leave a comment
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
hayz life nga naman dito sa earth
nakakatouch naman ang mga post mo ngaun…
“hehehe…nakakatouch ba???senti mode lng..hehehe…narealized ko kasi lately na mashado na akong pinasasaya ni papa god…baka di na maging balance…kaya senti mode muna ko ok???apir tau jan…hehehe”
Comment by majals March 25, 2008 @ 2:47 amnakakaiyak naman ang letter ni lola! parang ayokong tumanda!
and with that, i will write in my last will and testament na magpapa euthanasia ako by the age of 55
“halaka naiyak ka ba kuya???di ko po nisasadya..hehehehe…ako nga rin po auko pong tumanda..pero that’s the reality of life na kailangan nating pagdaan…wag po u magpa-euthenasia..bad po yun…heheheh…thanks po sa pagdrop by…”
Comment by Geisha March 25, 2008 @ 6:24 amnakaka-tats nga to
kaw ba gumawa nyan? kawawa naman si lola.. pero yan ang pinili nyang landas eh, wala tayo magagawa
“uu nga ate eh…yeah ako po gumawa nian,,,la lng,one time po kasi me nkausap kami ng friends ko sa luneta na ganyang story, kea un naisip kong gumawa nlang ng ganito..ate least people might be aware na hindi gnun kadali ang buhay…apir!!!”
Comment by lilmiz March 25, 2008 @ 4:48 pmhala…wawa naman si Lola…kawawa talaga…wala bang home for the aged syang natunton sa kanyang paglalakbay?!..Hopia at sopdrink..ah lalong nakakamatay yun eh..panu sya mabubusod nun?…..tsk tsk
“wawa tlga..wala syang napuntahang home for the aged that time. se wlang concern citizen na naglakas loob na gawin un. pero sbi nmn nia ok lang se masaya nmn daw sia sa lugar na un…”
Comment by randomdemeanor March 25, 2008 @ 10:28 pmwui, natawa ako sa pangalan ko dito sa bahay mo….Kuya Random ka jan..hahahah..ate ako, ate!hahah…talga bang mukhang sulat-lalaki yung mga posts ko?..nyahehehe
“ai sori po..ate po ba??i tot kasi boi ka..hindi nmn po mukhang lalaki ang sulat nio.,..ung name nio lang po,,,hehehe..apir!!!”
Comment by randomdemeanor March 25, 2008 @ 10:29 pmgaling mo magsulat ah…nga pala salamat sa pagiwan ng bakas sa page ko.
* OT
nag pipaint ka din? kwentuhan mo din si ate cams about pagpipainting mo ha. at saka add na din kita sa blogroll ko. yey!
“natats ka ba ate?hehehehe..apir!!!ako din eh..hehehe..yaan mo po mapapadalas ang pag-iiwan ko ng bakas sa page mo..hehehehe..apir!!!hehehe..at opo..hilig ko po ang pagdradrawing lalo na ang mga mukha ng mga titser kong nakakabaliw magturo.gue…minsan wentuhan tau about painting…dami ka na po ba napent???ako unti palang..hehehe..apir!!!and talamats po sa pag-aadd sa blogroll mo ate…tats din ako..hehehehe…apir!!!!!
Comment by camilleeee March 26, 2008 @ 3:10 amnakakahabag at nakakabilib naman ang life story ni lola.. galing mo ah! ang bata mo pa pero ang lalim ng pinaghugutan ng kwentong ito..
“hehehe,,apir ate!!!galing ba??ciempre galing aydol ko eh…hehehe..kilala mo po ba yun???linglingbells ata name nun eh…kung kilala mo te…pakilala mu naman po ako..heheheh…apir!!!”
Comment by linglingbells March 26, 2008 @ 6:57 amtisyu plz.
nakakaiyak!amp!
~nakikidaan lang po~
“alang tizyu ate eh,,tuwalya gusto mo??hehehe..apir!!!salamat po sa pagdaan…;)”
Comment by eloiski March 26, 2008 @ 8:40 amnaku naman! nambola ka pa.. apir ulet!
“nambola???tuod man…hahaha..di kaya mamaga ang hands natin sa kaka-apeer???apeer ate..apeer!!!”
Comment by linglingbells March 27, 2008 @ 7:49 amDiosko, anak. baka macorrupt kabataan mo sa pagdaan mo sa aking buhay, bwahahaah,
tama na senti, inuman nalang tayo, bwahahaha
“ganun ba inay???hindi naman po siguro…hehehehe..apeer!!!inuman???hindi ho ba’t bawal pa sa akin ang uminom???teke..teka…teka..anu ba iinumin???gatas ba??hehehe..apeer tau jan…salamat po sa pagdaan…”
Comment by cliogoddess March 27, 2008 @ 3:48 pmthat’s how this worls works. everything in this world must deteriorate. yes, they must. why? so that others can fill the space that they will leave, and for others to experience how this world is.
nakakalungkot yung kwento. pero ganun talaga. pero i liked it. the fact na ang ganda ng pagkakasalaysay, at pinarisan pa ng magandang at mahalagang leksyon sa buhay.
let us make our stay here memorable. HAPPY! Enjoy!
^_^
Salamat sa pagdaan sa blog ko.!
I link you up.
“uu nga po eh..hehehe..ganun tlga ang life..haysz..salamats po sa words of wisdom..thanks din po sa pag drop by..kip in touch po..”
Comment by aKDa March 28, 2008 @ 2:58 pmnobody said that life IS fair…
ewan..
na starstruck naman ako dun
“na-starstruck ka ba???hehehe..ako mejo lang…hahaha”
Comment by wei vines March 28, 2008 @ 3:41 pmuhmm teka..yan bang diary ni lola…
napulot mo sa rebulto ni rizal???hehehe
“parang ito nga yun…hehehehehe..hindi ko po napulot..pinabasa lng.,..hahaha..salamat po sa pagdaan, sa uulitin..”
Comment by wei vines March 28, 2008 @ 3:49 pmhmmm..sometimes i also asked God the same question…does He really love me?
“uu nmn kuya…papa god loves you and so we are…hehehehe..apeer!!!”
Comment by Maldito April 6, 2008 @ 7:11 am