Filed under: senti-sentihan
Sasamahan mo ba ako anak? Gusto kong ikaw ang pumili ng damit ko para sa graduation mo,” sabi sa akin ni ina isang lingo bago ang araw ng aking pagtatapos.
Marami pa po akong aasikasuhin,” maikli kong sagot.
Nitong mga nakaraang araw, napapansin kong kinukukha ni ina ang aking atensyon. Mas ramdam niya ang tuwa at excitement sa aking nalalapit na pagtatapos, at ngayon nga ay nag-iisip na siya ng kanyang susuotin, Samantalang ako ay abala pa rin sa pagpapapirma ng clearance at ilan pang mga papeles kung kaya’t ang samahan pa siya sa pamimili ay wala sa aking isip.
Sa wakas! Masusuklian ko na rin ang mga paghihirap, sipag at tiyaga ko. Mula ng iwan kami ni ama sampung taon na ang nakakaraan.
Dati madalas akong maging tampulan ng tukso dahil bukod sa manilaw-nilaw na ang blusang buot ko ay tagpi-tagpi pa. Ni hindi ko rin naranasan ang umattend ng JS Prom kasi wala akong damit na maisusuot. Kaya naman ipinangako ko sa aking sarili na darating ang panahon na pagsisisihan ni Ama ang ginawa niya sa amin. Ito na marahil ang naging dahilan upang isubsob ko ang aking sarili sa aking pag-aaral.
Pagsapit ng lingo, hindi ko alam kung bakit ko nasabi kay ina na sasamahan ko nalang siya bumili ng damit. Sa aming pamimili, nalaman ko na sa dalawampung taon pala naming pagsasama ay marami pala akong hindi alam tungkol kay ina. Mas nais ko kasing mag-aral kung nasa bahay ako kung kaya’t wala kaming pagkakataon ni ina na makapag-usap. Paa kasi sa akin ang matataas na marka ay simbulo ng isang MABUTING anak.
Maghapon kaming naglibot sa mall pero wala pa ring mapili si ina. Ngunit ng kalaunan, nakapili din siya ng isa. Sa kanyang pagsusukat, napansin kong hirap na hirap siyang pagbuhulin ang laso sa likuran dahil sa panginginig ng kanyang kamay sanhi ng rayuma. At naalala ko nung paanong ang mga kamay na iyon ang nag-aruga, nagbihis, umalalay at nagmahal sa akin.
Sa matinding emosyon ko, napayakap ako kay ina, hinawakan ang kanyang mga kamay, hinalikan at sinabi na iyon ang pinakamagandang kamay sa buong mundo.
Sa araw ng aking pagtatapos, kakaibang kasiyahan ang aking nadama. Maaring pagtatapos na ito’y simula lamang ng mas marami pang paghihirap at pagsubok sa paglabas ko sa pamantasan. Pero alam ko’ng naroroon si ina para sa akin. At para sa amin, ang aking pagtatapos at simula lamang ng mas magandang pagsasama namin.
Ano nga ba ang kabukuhan ng aking pagsisikap kung puno ang aking puso ng galit at paghihiganti? Kung tanging sarili ko lamang ang aking iniisip.
Nandiyan naman si ina.
Handog ko sa kanya ang aking pagtatapos at bigay naman sa akin ng Panginoon ang paalalang ang pagmamahal ng aking ina ang pinakadakila kong tagumpay.
2 Comments so far
Leave a comment
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
nakaktouch naman tong post mo…
na touch talaga ako sana ganyan din ang nanay ko!
“hehehe..apir!! yaan mo gagawa ako ng wishing machine na kahit anong hilingin mo matutupad…hehehe…apir ulet”
Comment by majals March 25, 2008 @ 2:44 amhuwaw!!! mabuhay ang ating mga ina!!!!
kala ko twelve years old ka lng…panu ka naman makaka-attend ng prom nun?…e di ba juniors at seniors lng yun sa highschool ang meron nun?..may JS prom ba jan sa mga elementary?!…anep ah!
“kuya nmn…este ate pala,…ciempre imagination lng un noh..hndi aking kwento yan..sa isang close friend ko po yan..don’t wori wala pang JS ang elementary..di pa naaaprove ng DECS..hehehehehe…”
Comment by randomdemeanor March 25, 2008 @ 10:24 pm