Hindi ko alam kung anong meron ka na wala ang iba.. Ang dami kong gustong sabihin sa’yo pero di ko alam kung paano ko uumpisahan ng hindi ako makakasakit ng isang taong sobrang naging espesyal sa buhay ko..Hindi ko alam kung bakit kay laki na ng pinagbago mo. Hindi ko alam kung bakit hindi ka na masaya sa dating pagiging simple mo lang. Dati lahat ng bagay sayo’y napakasimple lang, pero bakit ngayon hindi na?? Masyado ka na bang naapektuhan ng mga pagbabago ng mundo kaya pati sarili mo nagbago na rin?
Hindi na ako masaya sa kung anong meron ka ngayon. Pero pinipilit kong intindihin ka kasi alam kong jan ka sasaya sa mga sinasabi mong pagbabago. “You always told me, people changed and when they’ve changed, it’s for the better”. Yeah, tama ka at hindi kita masisisi sa way of thinking mo. Ang sa akin lang is, masaya at tanggap ko kung ano ka nung una kitang nakilala, masaya na ako sa pagiging ganun mo. Hindi mo naman kailangan magbago para matanggap ka ng ibang tao.
Habang nagbabago ka, lalong nagbabago na rin ang tingin ko sa’yo. Minsan naiisip ko kung kilala pa ba kita? Minsan kasi hindi na. Ayokong magtanong kasi ayokong masaktan sa isasagot mo. Kasi baka hindi ko kayanin ang sakit na mararamdaman ko sa bawat katagang lalabas sa’yo. Sabi ko naman sa’yo masaya na ako sa kung ano man ang mararating mo sa buhay. Masaya na akong kapag naging masaya ka. Pero bakit iba ang iniisip ko sa nararamdaman ko? Iba ang sinasabi ng utak ko sa puso ko. Sadyang napakagulong intindihin ang mga nangyayari lately. Kaw lang ang masaya. At ako hindi. Masyado akong na-attached sa’yo na pati sarili ko hindi ko na rin kilala. Ni hindi ko matanong ang sarili ko kung nag-eenjoy ba ako or kung masaya ba ako sa ginagawa ko. Haysz..hindi ko alam, basta ang alam ko hindi ako masaya at nasasaktan ako.
Abot kamay lang kita pero tila hirap na hirap akong hawakan ka. Natatakot akong pumikit dahil baka sa pagmulat ko’y wala ka na naman. Masakit yun…, mahirap ang hindi ko malaman ang mga ginagawa mo pero pinipilit ko pa ding unawain ka. Lagi naman ganun eh, lagi kong sinasabi na naiintindihan kita pero ang totoo hindi. Hindi ko alam kung pinaglalaruan mo lang ako. Kung ginagamit mo lang ako. Kasi para bang lumalapit ka lang sa akin kapag may kailangan ka. Ayoko man isipin kasi pangit yun pero yun talaga ang nararamdaman ko.
Ginawa ko ang na lahat na sa tingin kong maganda para mapasaya ka. Ginawa ko na ang lahat para matanggap mo ako bilang ako. Pero bakit parang sa bawat ginagawa ko kaagapay ang isang milyong sakit sa damdamin ko. Sa tuwing may gagawin ako para sayo na para sa akin ay “the best” na, bakit parang sa’yo ay yun na ang pinakapangit na bagay na nakita mo sa mundo. Nasasaktan ako sa tuwing magkukuwento ka tungkol sa mga kaibigan mo samantalang ako ang kasama mo. Masakit pala ang ganun. Ikaw ang kasama pero nasa ibang tao naman ang katauhan mo. Pero hindi naman kita masisisi kung bakit. Marahil ay napakaboring ko ngang kasama kumpara sa mga tinatawag mong “circles of friends”. MASAKIT YUN… Pero ano naman ang magagawa ng isang katulad ko? Wala naman di ba? Ang tanging alam ko lang, sa tuwing ganun ang mangyayari, nanahimik lang ako…at nasasaktan. Sino ba naman ako sa buhay mo di ba?
Sa bawat araw na dumadaan ka sa harap ko na parang wala kang ibang nakita, nasasaktan ako. Tanga mang isipin na nag-eexpect ako na babatiin mo, kahit alam ko naman na hindi mo naman gagawin yon, ok lng. Masaya na akong nakita kitang nakauwi ng ligtas. Masaya na akong makita kita sa malayuan. Kahit nasasaktan ako. Lagi kang laman ng isip ko. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Siguro dahil nasanay akong lagi kang unang bumabati sa tuwing nagkikita tayo. Sa tuwing may tampuhan. Sa tuwing gusto mo lang akong kausapin tungkol sa nangyari sa’yo sa buong araw kasama ng mga kaibigan mo. dati ganun ka…nung hindi ka pa nagbabago.. Pero ngayon. hindi na kasi nga nagbago ka na…
Sabi mo sa akin, “ANG AKIN AY AKIN, ANG IYO BATA AY AKIN PA DIN!” Natatawa ako sa tuwing maaalala kong sinabi mo yun sa akin. Nung minsan ngang sinabi ko yun sa isa sa mga bestfriends ko, ang sabi niya napaka-selfish mo naman daw. Natawa naman ako sa naging reaction ko, kasi imbes na sang-ayunan ko ang mga sinabi niya, pinagtanggol pa kita. Haysz..ano nga ba talaga ang meron ka na wala ang iba? Ilang milyong beses ko nang tinanong sa sarili ko nyan. Bakit ba hindi kita mai-let go despite that you are the one who always hurt me… Masyado mo na akong nasasaktan. Pero para bang wala kang alam. Inisip ko kung sa simula’t sapul ba itinuring mo ba akong isang kaibigan? Minsan hindi ko alam kung pinaniniwalaan mo ang lahat ng mga sinasabi ko sa’yo. Kasi sa tuwing magkukuwento ako about sa naging experience ko para bang o talagang hindi ka interesado. Na para bang nanonood ka ng mga telenovela sa television. Naiiyak ako sa tuwing ganun ang nagiging reaksyon mo. Naiiyak ako dahil naaawa ako sa sarili kong pinagmumukha mo akong tanga. Minsan gusto kong sumbatan ka sa lahat ng naitulong ko sa’yo. Minsan gusto kong sabihin na masaktan at tamaan ka naman. Minsan gusto kong iparamdam ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa tuwing ikaw ang naiisip, nakikita at nakakasama ko. Pero hindi ko magawa at hindi ko pa din alam kung bakit.
Saksi ang unan, kumot, lapis at papel sa bawat araw na nagsusulat ako sa diary ko about sa’yo. Kung nakakapagsalita lang siguro ang mga ito, malamang walang humpay ang maririnig kong sermon about sa’yo. Malamang masuffocate na ako sa mga sasabihin nila. Hindi ko naman sila masisisi eh. Kasi kahit saang anggulo kung titingnan ako pa din ang may kasalanan kasi hinahayaan kong saktan mo ako. Hinahayaan kong madama ang mga masasakit na feelings na ikaw lang ang tanging alam kong nakakagawa.
Nasasaktan ako.. OO yun talaga ang nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan ako kasi naisasantabi ako ng taong halos ibigay ko na ang lahat. Nasasaktan ako kasi hindi ko kayang saktan ka. Umaasa akong one day sasabihin mo sa akin na “I’m sorry sa lahat ng ginawa ko. I’m sorry kasi nasaktan kita”. Pero parang napakatagal na panahon ang hihintayin ko bago mangyari yon. Haysz…ANO BA ANG MERON KA NA WALA ANG IBA.
Hindi ko man lang masabi sa’yo lahat ng nararamdaman ko. Ni hindi ko man lang nga masabing sobrang MISS NA KITA KAYA NAKASULAT AKO NG BLOG NA GANITO! Ni hindi nga kita matanong kung ayos ka lang ba jan o kung ok ka lang ba. Ayokong itext ka kasi sasabihin mo na naman na “ano na namanng kadramahan yan???”. Tama ka madrama nga ako, at sa pagiging kadramahan ko naipapakita ko kung sino talaga ako at hindi ko na kailangan ang magbago tulad mo.
Umaasa akong babalik ang lahat sa dati kahit alam kong malabo na yon. Nasaktan mo na ako ng maraming beses at ayoko na ulit bigyan ka ng isa pang pagkakataon na saktan muli ako. Kasi baka di ko na kayanin talaga. MAHAL KITA. WALANG DUDA. Pero kung dahil sa pagmamahal na yan binabago mo ang pagkatao ko, mas maganda sigurong isantabi ko nalang muna ang pagmamahal na yan. BATA pa ako. At alam ko MARAMI pa jan ang alam kong magmamahal sa akin HIGIT sa binigay mong pagmamahal sa akin bilang KAIBIGAN. Pinangako ko sa’yo na hinding-hindi kita iiwanan at kakalimutan at handa akong tumupad sa sumpa kong iyon. Gusto ko lang muna kilalanin ang sarili ko. Gusto ko lang muna lumabas sa hawlang pinagkulungan mo ng pagkatao ko. Gusto kong kilalanin ang mundo kung saan Malaya akong makakakilos sa lahat ng bagay na gusto kong gawin at magiging masaya ako. “you will always be my “toooot…..” forever…nothing in this big damn world can ever change that. Gusto ko lang huminga. Gusto ko lang mag-explore. Gusto ko lang hilumin ung mga bearings, sufferings and pains you’ve caused me para sa PAGBABALIK KO.. Ready na ulit akong masaktan. Ready na akong mag-move on…at ready na akong tanggapin ang BAGONG IKAW.
“Salamat kasi pinamulat mo sa akin na masyado na akong napag-iiwanan ng panahon at mundong dapat sana ay kinabibilangan ko ngayon. Salamat kasi hinayaan mo akong hanapin ang sarili kong matagal na palang nakatago sa hawlang pinagkulungan ko nito. Salamat…Maraming salamat sa lahat ng sakit na binigay mo para marealized ko ang kakulangan ng pagkatao ko. Sana lang sa pagbabalik ko HINDI KA NA NAGBAGO para HINDI naman masayang LAHAT ng pinaghirapan ko para TANGGAPIN ang BAGONG IKAW.”