Lately I’ve spending my time sa pagmumukmok, pag-iiiyak, pagtatago ng mga nararamdaman, pag-iwas sa isang taong kailangan ko nga bang iwasan at pagsasayang ng oras para damahin at ilugmok ang aking sarili sa mga sakit na naramdaman ko para sa isang taong hindi ko alam kung talaga bang tinanggap ang buong pagkatao ko o sadyang ginamit lang talaga, inabuso at ti-nake-advantage lang ang pagiging mabait ko all this time. Kung ano man ang mga reasons niya hindi ko alam at hindi ko na rin maintindihan.
Masyado na akong nasaktan sa mga nangyayari sa buhay ko. Masyado na rin niya akong sinasaktan. Sakit na hindi naman niya nakikita or else hindi niya talaga nakita. I’ve been experiencing it almost 20 years of my existence na wala man ni isa ang nakakaramdam, or else wala talagang nakaramdam. Hindi ko alam kung may personality disorder ba ako, magulo lang utak ko o sadyang mas masaya lang ako kapag ako lang mag-isa humaharap sa problema ko kaysa i-share ito sa iba at lunurin ang aming mga sarili sa alak. Narealized ko kasi na after naman nun, hindi pa rin mawawala ang problema, andun pa rin naman, at may dumagdag pa…hang-over.
Hindi ko pa rin maitatangging nasasaktan pa din ako everytime na nakikita ko siya. Paano ko naman maiiwasan yung taong dapat kong iwasan if we are both living in the same roof? Mahirap, masakit at higit sa lahat hindi ko talaga kaya. Ewan ko ba kung anong meron ang taong ito at hanggang ngayon siya pa din ang pinagsisintir ko. I can’t blame myself naman kasi sabi ko sa sarili ko this time ako naman ang tama. This time kaw naman sana ang humingi ng sorry, this time kaw naman ang umintindi at intindihin ako. Hindi ko alam kung anong iisipin mo or magiging reactions mo once na mabasa mo ito. Pero I’m sure negative na naman ang sasabihin mo. Kelan ka ba naging positive ang mga opinions mo pagdating sa akin? Kelan mo ba na-appreciate ang mga ginawa ko? Kelan mo ba nasabing this time ako naman ang magaling? Wala naman di ba? And I can’t remember any.
Hindi madali para sa akin ang hindi ka pansinin o magparamdam man lang sau. Hindi madali para sa akin ang isantabi lahat ng mga moments natin. Mula sa mga happy moments hanggang sa mga times na pareho tayong naiiyak dahil sa mga pinaggagagawa, kalokohan at mga times na nasasaktan tayo pareho. Hindi ganun kadaling kalimutan yun. Hindi ganun kadaling kalimutan ang LAHAT. Kung paano kita nakilala, naging kaibigan, pinahalagahan, tinulungan, ibigay ang lahat ng kaya kong iibigay at higit ulit sa lahat hindi ganun kadali ang kalimutang minsan minahal kita at nagkaroon ka ng mumunting spot sa body system ko. Hindi ganun kadali alisin ang mga moments mo whether it is happy or sad. “HINDI GANUN KADALI…at HINDI MO LANG ALAM KUNG GAANO KASAKIT ang nararamdaman ko ngayon. WALA KA NAMAN KASING PAKIALAM SA AKIN DI BA? AT KAHIT KAILAN HINDI KA NAMAN NAGKAROON NG PAKIALAM.”
Ewan ko ba, kaiba ka sa lahat ng nakilala at pinahalagahan ko. Kaiba ka rin sa taong minsan na rin akong naging sunud-sunuran at naging tanga. Masakit yung ginawa niya at until now ginagawa pa rin niya. Kala ko I’m finally move on with that feeling pero until now hindi pa rin pala. At masakit isipin na until now, NAGPAPAKATANGA pa rin pala ako. Hindi na nga lang sa kanya kundi sa’yo naman. Haysz.
Sabi nga ng mga kaibigan ko, wala na raw martir sa mundo at hindi na rin daw uso ang pagpapatayo ng monumento sa Luneta. Mahal na raw kasi ang semento. Hindi ko alam kung MARTIR nga ba ako o sadyang kaiba lang talaga ako sa iba kung magmahal. Hindi ko alam. Minsan tinanong ko rin ang sarili ko, Mahirap ba akong mahalin? Or Hindi ba ako karapat-dapat na mahalin? Pero until now hindi ko pa rin nahahanap ang mga sagot sa sarili kong tanong. Mahirap kasi ang mag-assume. Mahirap ang umasa na wala ka naman dapat asahan. Hays, life nga naman. Naisip ko, hindi naman ako demanding, hindi rin naman ako mapaghanap ng mga bagay na alam kong hindi nila kayang ibigay. All I want in this damn life is to have someone whom I can share the rest of my life with. (Oh, di ba hindi naman demanding yun? Minsan naiisip ko kung nahihirapan din ba ibigay ni Papa God ang mga wishes natin? Minsan kasi kailangan muna natin ng maraming experiences before we can get what we really want, we need to exert more effort para lang makuha yun. Hindi ba pwedeng at one click ayun na? nasa sa’yo na ang mga gusto mo? Si Papa God talaga, matalino din. Haysz.)
Kala ko tapos na ako sa senti at emote mode with you, pero hindi pa rin pala. Kasi habang nakikita at naaaninag ko ang presence mo, hindi ko alam kung bakit ako ang nakakaramdam ng guilt feeling at pains na dapat sana nararamdaman mo. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang hindi ka man lang naging apektado sa mga away natin, nasasaktan ako kapag nalalaman ko sa iba kung ano ang dating sa’yo ng mga pinagagagawa ko. Nagmumukha na nga akong tanga pinagtatawanan mo pa ako. Grabe ka naman manakit.
Hindi ko alam kung ano ang kaibahan ko sa mga kaibigan mo na lagi mong kinukwento at pinagchachagaan ko naman pakinggan. Kung bakit kapag sila ang galit sa’yo sobra kang affected. Affected na hindi ko man lang nakita sa’yo everytime na meron tayong tampuhan at misunderstanding tulad ngayon? Bakit nga ba kapag sila sobra ang concern mo at wishes na sana maging okay na kayo sooner or later? Bakit pag ako hindi? Sobra na ba kitang na-spoiled kaya parang balewala na sa’yo kapag ako naman ang nagalit?Hindi ka man lang ba natakot na magalit ako? Kung tutuusin ang dami-daming reasons na pwede or may posibilidad na magalit ako sa’yo. Kasi ang dami-dami kong pwedeng isumbat at isisi sa’yo, pero hindi ko naman magawa or magagawa. Kasi alam mong hindi kita matitiis. Kasi alam mong HINDI KITA KAYANG SAKTAN. Kasi alam mong kahit anong mangyari or ilang beses man tayong mag-away- bati alam mong ako pa rin ang makikipagbati. Ako pa din. AKO NA LANG PALAGI. Kasi alam mong all this time ako pa rin ang gagawa ng way para maging maayos at bumalik ulit ang lahat sa dati. Kasi alam mong gagawa at gagawa ako ng way para maayos ang mga bagay na dapat ayusin kahit na hindi mo ako pinapansin. Masakit yun kala mo ba?
Akala ng iba okay na ako. Akala nila I finally move on sa lahat ng pains na dulot mo. Akala ko rin eh. Yun pala until now hindi pa rin pala. Hindi kasi ako marunong kung paano makalimot at hindi ka rin ganun kadali para kalimutan. HINDI GANUN KADALI KALIMUTAN ANG MGA KATANGAHAN KO. I am trying so hard para gawin ang mga bagay na alam kong hindi ka magiging konektado. Umiwas na ako sa’yo. Hindi na ako umuuwi ng bahay para lang hindi mo makita ang pagmumukha ko at hindi ka na rin mainis. Yun parang gagawa ako ng isang bagay na alam kong hindi ka masasama sa mga iisipin ko. Pero hindi pala ganun kadali yun. Kasi sa lahat ng bagay na ginagawa ko sa buhay ko even now, kasama at naiisip pa rin kita. Ano bang ginawa mo at naging ganito ako?
Ayoko ng masaktan. Nasasawa na akong masaktan. Uhaw ako sa kaligayahan, ngunit naiimpatso na ako sa sama ng loob. Ayoko ng durugin ng husto ang puso kong halos durog na durog na. Kung kaya kong magpasaya ng ibang tao bakit ang sarili ko hindi ko kayang pasayahin? Ano ba ang mali? At ano rin ba ang tama? I’m sick and tired na sa mga ginagawa ko, at hindi na rin ako masaya. Kaw ba masaya?
Nasasaktan talaga ako ngayon. Nasasaktan ako to the point na ganun ba katindi ang ginawa ko para hindi mo ako pansinin? Pakshet naman. Napakabato mo naman. The last time na naging okay tayo, I’ve told myself that, that would be the last time na masasaktan ako. It took me almost 6months to heal the entire wound you have caused me. Ewan ko kung bakit pagdating sa’yo sobrang tagal ko bago maka-recover. Sobrang tagal ko bago makalimutan ang lahat ng ginawa mo sa akin. Sobrang sakit kasi. SOBRA talaga. Pain and wounds have been disappeared, but the scars still lingers. Sawa na ako sa nangyayari sa atin Bata, paulit-ulit na lang. Kaw ba hindi ka rin ba nasasawa na paulit-ulit mo akong sinasaktan? Hindi ka rin ba napapagod? Kasi ako sobrang pagod na pagod na….SOBRANG PAGOD NA KAKAHABOL SA’YO…haysz…
Sana masaya ka na. Sana masaya ka na sa lahat ng ginagawa mo kasama ng mga bagong kaibigang pinagmamalaki mo. OO, hindi nila ako katulad. Simple lang naman kasi ako at hindi katulad nila na talaga namang may ipinagmamalaki. Pero sana hindi rin dumating yung time na iwan ka nila tulad ng ibang nang-iwan sa’yo noon. Hindi ko kasi kayang makita ka na namang umiiyak ng dahil sa kanila. Ako nga hindi ko magawang paiyakin ka dahil ako ang mas nasasaktan kapag umiiyak ka. Ayokong makita kang lumuluha. Hindi ko kaya. Hindi man tayo okay sa ngayon, hindi ko naman hahayaan na saktan ka ng iba. All I want for you is to be happy. KALIGAYAHANG AYAW MONG IBIGAY KO SA’YO, at happiness na you refuse to receive. Sakit non pero wala naman akong magawa eh. Eh, sino ba naman ako di ba?
Tama na nga to, di mo naman mababasa eh, at alam kong hindi ka rin naman interesadong basahin ang mga ka-emotan ko. Tapos na ako mag-emote. Tapos na kong magmukmok para sa taong hindi ko alam kung tinanggap nga ba ako. .Basta sana masaya ka na. Sana wala na yung lahat ng mga pains at bitterness na pilit kong inaalis jan sa puso mo. Basta sana masaya ka na kahit nasasaktan pa din ako..SANA..