batabatuta blog


…akala ko okay na ako…
May 22, 2008, 3:10 am
Filed under: moments, senti-sentihan

Lately I’ve spending my time sa pagmumukmok, pag-iiiyak, pagtatago ng mga nararamdaman, pag-iwas sa isang taong kailangan ko nga bang iwasan at pagsasayang ng oras para damahin at ilugmok ang aking sarili sa mga sakit na naramdaman ko para sa isang taong hindi ko alam kung talaga bang tinanggap ang buong pagkatao ko o sadyang ginamit lang talaga, inabuso at ti-nake-advantage lang ang pagiging mabait ko all this time. Kung ano man ang mga reasons niya hindi ko alam at hindi ko na rin maintindihan.

Masyado na akong nasaktan sa mga nangyayari sa buhay ko. Masyado na rin niya akong sinasaktan. Sakit na hindi naman niya nakikita or else hindi niya talaga nakita. I’ve been experiencing it almost 20 years of my existence na wala man ni isa ang nakakaramdam, or else wala talagang nakaramdam. Hindi ko alam kung may personality disorder ba ako, magulo lang utak ko o sadyang mas masaya lang ako kapag ako lang mag-isa humaharap sa problema ko kaysa i-share ito sa iba at lunurin ang aming mga sarili sa alak. Narealized ko kasi na after naman nun, hindi pa rin mawawala ang problema, andun pa rin naman, at may dumagdag pa…hang-over.

Hindi ko pa rin maitatangging nasasaktan pa din ako everytime na nakikita ko siya. Paano ko naman maiiwasan yung taong dapat kong iwasan if we are both living in the same roof? Mahirap, masakit at higit sa lahat hindi ko talaga kaya. Ewan ko ba kung anong meron ang taong ito at hanggang ngayon siya pa din ang pinagsisintir ko. I can’t blame myself naman kasi sabi ko sa sarili ko this time ako naman ang tama. This time kaw naman sana ang humingi ng sorry, this time kaw naman ang umintindi at intindihin ako. Hindi ko alam kung anong iisipin mo or magiging reactions mo once na mabasa mo ito. Pero I’m sure negative na naman ang sasabihin mo. Kelan ka ba naging positive ang mga opinions mo pagdating sa akin? Kelan mo ba na-appreciate ang mga ginawa ko? Kelan mo ba nasabing this time ako naman ang magaling? Wala naman di ba? And I can’t remember any.

Hindi madali para sa akin ang hindi ka pansinin o magparamdam man lang sau. Hindi madali para sa akin ang isantabi lahat ng mga moments natin. Mula sa mga happy moments hanggang sa mga times na pareho tayong naiiyak dahil sa mga pinaggagagawa, kalokohan at mga times na nasasaktan tayo pareho. Hindi ganun kadaling kalimutan yun. Hindi ganun kadaling kalimutan ang LAHAT. Kung paano kita nakilala, naging kaibigan, pinahalagahan, tinulungan, ibigay ang lahat ng kaya kong iibigay at higit ulit sa lahat hindi ganun kadali ang kalimutang minsan minahal kita at nagkaroon ka ng mumunting spot sa body system ko. Hindi ganun kadali alisin ang mga moments mo whether it is happy or sad. “HINDI GANUN KADALI…at HINDI MO LANG ALAM KUNG GAANO KASAKIT ang nararamdaman ko ngayon. WALA KA NAMAN KASING PAKIALAM SA AKIN DI BA? AT KAHIT KAILAN HINDI KA NAMAN NAGKAROON NG PAKIALAM.”

Ewan ko ba, kaiba ka sa lahat ng nakilala at pinahalagahan ko. Kaiba ka rin sa taong minsan na rin akong naging sunud-sunuran at naging tanga. Masakit yung ginawa niya at until now ginagawa pa rin niya. Kala ko I’m finally move on with that feeling pero until now hindi pa rin pala. At masakit isipin na until now, NAGPAPAKATANGA pa rin pala ako. Hindi na nga lang sa kanya kundi sa’yo naman. Haysz.

Sabi nga ng mga kaibigan ko, wala na raw martir sa mundo at hindi na rin daw uso ang pagpapatayo ng monumento sa Luneta. Mahal na raw kasi ang semento. Hindi ko alam kung MARTIR nga ba ako o sadyang kaiba lang talaga ako sa iba kung magmahal. Hindi ko alam. Minsan tinanong ko rin ang sarili ko, Mahirap ba akong mahalin? Or Hindi ba ako karapat-dapat na mahalin? Pero until now hindi ko pa rin nahahanap ang mga sagot sa sarili kong tanong. Mahirap kasi ang mag-assume. Mahirap ang umasa na wala ka naman dapat asahan. Hays, life nga naman. Naisip ko, hindi naman ako demanding, hindi rin naman ako mapaghanap ng mga bagay na alam kong hindi nila kayang ibigay. All I want in this damn life is to have someone whom I can share the rest of my life with. (Oh, di ba hindi naman demanding yun? Minsan naiisip ko kung nahihirapan din ba ibigay ni Papa God ang mga wishes natin? Minsan kasi kailangan muna natin ng maraming experiences before we can get what we really want, we need to exert more effort para lang makuha yun. Hindi ba pwedeng at one click ayun na? nasa sa’yo na ang mga gusto mo? Si Papa God talaga, matalino din. Haysz.)

Kala ko tapos na ako sa senti at emote mode with you, pero hindi pa rin pala. Kasi habang nakikita at naaaninag ko ang presence mo, hindi ko alam kung bakit ako ang nakakaramdam ng guilt feeling at pains na dapat sana nararamdaman mo. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang hindi ka man lang naging apektado sa mga away natin, nasasaktan ako kapag nalalaman ko sa iba kung ano ang dating sa’yo ng mga pinagagagawa ko. Nagmumukha na nga akong tanga pinagtatawanan mo pa ako. Grabe ka naman manakit.

Hindi ko alam kung ano ang kaibahan ko sa mga kaibigan mo na lagi mong kinukwento at pinagchachagaan ko naman pakinggan. Kung bakit kapag sila ang galit sa’yo sobra kang affected. Affected na hindi ko man lang nakita sa’yo everytime na meron tayong tampuhan at misunderstanding tulad ngayon? Bakit nga ba kapag sila sobra ang concern mo at wishes na sana maging okay na kayo sooner or later? Bakit pag ako hindi? Sobra na ba kitang na-spoiled kaya parang balewala na sa’yo kapag ako naman ang nagalit?Hindi ka man lang ba natakot na magalit ako? Kung tutuusin ang dami-daming reasons na pwede or may posibilidad na magalit ako sa’yo. Kasi ang dami-dami kong pwedeng isumbat at isisi sa’yo, pero hindi ko naman magawa or magagawa. Kasi alam mong hindi kita matitiis. Kasi alam mong HINDI KITA KAYANG SAKTAN. Kasi alam mong kahit anong mangyari or ilang beses man tayong mag-away- bati alam mong ako pa rin ang makikipagbati. Ako pa din. AKO NA LANG PALAGI. Kasi alam mong all this time ako pa rin ang gagawa ng way para maging maayos at bumalik ulit ang lahat sa dati. Kasi alam mong gagawa at gagawa ako ng way para maayos ang mga bagay na dapat ayusin kahit na hindi mo ako pinapansin. Masakit yun kala mo ba?

Akala ng iba okay na ako. Akala nila I finally move on sa lahat ng pains na dulot mo. Akala ko rin eh. Yun pala until now hindi pa rin pala. Hindi kasi ako marunong kung paano makalimot at hindi ka rin ganun kadali para kalimutan. HINDI GANUN KADALI KALIMUTAN ANG MGA KATANGAHAN KO. I am trying so hard para gawin ang mga bagay na alam kong hindi ka magiging konektado. Umiwas na ako sa’yo. Hindi na ako umuuwi ng bahay para lang hindi mo makita ang pagmumukha ko at hindi ka na rin mainis. Yun parang gagawa ako ng isang bagay na alam kong hindi ka masasama sa mga iisipin ko. Pero hindi pala ganun kadali yun. Kasi sa lahat ng bagay na ginagawa ko sa buhay ko even now, kasama at naiisip pa rin kita. Ano bang ginawa mo at naging ganito ako?

Ayoko ng masaktan. Nasasawa na akong masaktan. Uhaw ako sa kaligayahan, ngunit naiimpatso na ako sa sama ng loob. Ayoko ng durugin ng husto ang puso kong halos durog na durog na. Kung kaya kong magpasaya ng ibang tao bakit ang sarili ko hindi ko kayang pasayahin? Ano ba ang mali? At ano rin ba ang tama? I’m sick and tired na sa mga ginagawa ko, at hindi na rin ako masaya. Kaw ba masaya?

Nasasaktan talaga ako ngayon. Nasasaktan ako to the point na ganun ba katindi ang ginawa ko para hindi mo ako pansinin? Pakshet naman. Napakabato mo naman. The last time na naging okay tayo, I’ve told myself that, that would be the last time na masasaktan ako. It took me almost 6months to heal the entire wound you have caused me. Ewan ko kung bakit pagdating sa’yo sobrang tagal ko bago maka-recover. Sobrang tagal ko bago makalimutan ang lahat ng ginawa mo sa akin. Sobrang sakit kasi. SOBRA talaga. Pain and wounds have been disappeared, but the scars still lingers. Sawa na ako sa nangyayari sa atin Bata, paulit-ulit na lang. Kaw ba hindi ka rin ba nasasawa na paulit-ulit mo akong sinasaktan? Hindi ka rin ba napapagod? Kasi ako sobrang pagod na pagod na….SOBRANG PAGOD NA KAKAHABOL SA’YO…haysz…

Sana masaya ka na. Sana masaya ka na sa lahat ng ginagawa mo kasama ng mga bagong kaibigang pinagmamalaki mo. OO, hindi nila ako katulad. Simple lang naman kasi ako at hindi katulad nila na talaga namang may ipinagmamalaki. Pero sana hindi rin dumating yung time na iwan ka nila tulad ng ibang nang-iwan sa’yo noon. Hindi ko kasi kayang makita ka na namang umiiyak ng dahil sa kanila. Ako nga hindi ko magawang paiyakin ka dahil ako ang mas nasasaktan kapag umiiyak ka. Ayokong makita kang lumuluha. Hindi ko kaya. Hindi man tayo okay sa ngayon, hindi ko naman hahayaan na saktan ka ng iba. All I want for you is to be happy. KALIGAYAHANG AYAW MONG IBIGAY KO SA’YO, at happiness na you refuse to receive. Sakit non pero wala naman akong magawa eh. Eh, sino ba naman ako di ba?

Tama na nga to, di mo naman mababasa eh, at alam kong hindi ka rin naman interesadong basahin ang mga ka-emotan ko. Tapos na ako mag-emote. Tapos na kong magmukmok para sa taong hindi ko alam kung tinanggap nga ba ako. .Basta sana masaya ka na. Sana wala na yung lahat ng mga pains at bitterness na pilit kong inaalis jan sa puso mo. Basta sana masaya ka na kahit nasasaktan pa din ako..SANA..


21 Comments so far
Leave a comment

nakakainis ka naiyak ako dun tumulo talaga yung luha ko…well sana dumting din yung time na magkaayos kayung dalawa….kasi sayang yung mga taon na pinagsamhan niyo. sana din ma realize niya kung anu yung nawala sa kanya. napaka swerte niya dahil nagkaroon siya ng kaibingan tulad mo mahirap magkaroon ng friend na tulad mo sa panahon na to..

“sana nga lang marealized nia…haysz..thanks!
;-)

Comment by majal

ang lahat ng bagay ay may solusyon.. pero sana mahanap mo na ang kasayahan.. malalim ba? haha.. hope you will be fine..

“i’m fine po..thanks for dropping by..yeah everything has a solution..salamat po sa pagdaan…daan2 lng ulit po kau,..thanks!!!! ;-)

Comment by jeniffer

angst raw ang tawag sa pinagdadaanan mo ngayon. ito ay dala ng kabataan, at walang sino man ang nakakaligtas dito. ibig sabihin, napagdaanan rin to ng lolo mo.

ang masasabi ko lang, unahin mo ang iyong sarili. hindi mo pwedeng ibigay ang wala sa iyo. bago ka mamigay ng kung anu-ano, dapat meron ka munang para sa sarili mo.

wag mo na akong pino-”po” ha. pa-link na rin. hehe

“angst po ba ang tawag sa gnun?thanks po sa information ah..na-link na rin po kita..link u nlng po ako if you like..ehehehhe….siguro nga po need ko sundin mga words of wisdom you…thanks po tlga..daan2 nlng po tau sa page ko..and vice versa.hehehehe….bkit po ayaw nio pino-po???? ;-)

Comment by utakmunggo

aw. tsktsktsk, sino naman tong hinayupak na to? saktan natin? hahaha.

oi. wag bibitaw. kapit lang. ^_^ madaming taong mas nakakakita ng kabutihan mo, and worth mo as a person.

“hahahaha…saktan??di ko nga po kayang saktan eh…heheheh….uu nmn po…di po ako bibitaw…di uso sa akin un eh..salamat po sa words of wisdom ah..sana nga po maraming tao ang nakakakita ng kabutihan ko at worth ko as a person..haysz…salamat ate…apirrrrrrrrrr!!!!!!!” ;-)

Comment by aKDa

naiyak ako bata :( una dahil na miss kita pangalawa dahil nakaka relate ako sa ganyang mga temang friendship ang pinag uusapan.

be strong hayaan mo sila. sooner ar later they will soon realize to value you as a true friend.

marami na rin akong friends na dumaan at nanatili sa king tabi. may mga dumarating pag may pera ka, meron din namang lumalayo pag broke ka na. yung iba kahit sa bagyo at tornado anjan pa rin.

i do not indict thee that has left me. inisip ko na lang, i have been good to them while we were friends. that feeling will remain in them.

konsensya na lang sa akin :lol:

“namiss din po kita…haysz..ok na po ako..and i’m trying to be ok…thanks po!!!!…miss you….mwuahugs….”

Comment by Geisha

ayyy… ang sakit naman nito..>_<

“SOBRA”

Comment by wei vines

let it go, baby… tama na yung naipakita mo sa kanila kung ganu ka kabuting kaibigan. wag mo masyado pahirapan ang sarili mo, im sure marami ka pang mamimeet na mga bagong kaibigan.. ..focus ka na lang muna sa work tsaka sa studies mo….;) cheers! mwah!


“mommy….namiss po kita…haysz..its been ages ah..hahaha..nwei…uu nga po..let it go nlng…haysz…i do my part na eh..hahaha..miss you na po talaga..slamat po sa bakas….muwaahugszzzzzzzzzzz.
…….;)

Comment by mommy cams

aww :( .. bakit sila ganyan? sige lang, bayaan mo mga walang kwentang taong yan ahaha.. sayang lang sila sa panahon mo :) .. smile ka lang, wag na magpa-apekto, they’re not worth it hehe ;)

“yeah ryt ate…slamats sa suporta…apirrrr!!!!!!!!! ;)

Comment by lilmiz

just let it be.. :)

yeah ryt kuya ba o ate??/thanks!!! ;-)

Comment by batopik

hayyy oo nga… bat kya ganyan no…???basta idedmakels mo na lng yan.. dadami rinkels mo.. cge ka..

Comment by repah

haaayy..

napadaan lang. sabi kasi ni kaibigang wordpress related daw yung post ko sa post mo..

ochie.. hindi ko alam kung anong pagkakataon.. kung bakit napaka-related talaga nito sa mga nangyayari sa ‘kin ngayon.. hindi ko lam kung maniniwala ka pero nagdulot ito sa pagtatangkang nakakakilabot.

hanggang ngayon damang dama ko pa..

hindi madaling paniwalaan na ok kana.. dahil ako hindi ko pa alam kung hanggang kailan ito kikirot..

kung may kasalanan man ako… ito yung tinatawag nating “nagmahal”:(

“tlga kuya?related? how come?di ko pa po se nache2k eh..daanan ko nlng rin po..nwei..i agree….pero hindi nmn kasalanan ang magmahal di b?di ko sinasabing ok na po ko tlga..se gaya mo me kirot pa din…kaya nga ang sbi ko lang eh…”akala ko ok na ako…akala…”..hehehe..salamat po sa pagdaan..apirrrrrrrrr…i know that we can still move on despite of what happen…sbi nga nila..fight and hold on lng…”

Comment by otep

wala ako sa posisyon para sabihin ito, pero, baka the person is not worth it. although mahirap yung tanggapin lalo na pag mahalaga sayo. pero sin ba naman ako para magadvise e guilty rin ako sa mga ganitong bagay. ewan ko ba, minsan feeling ko pinapahirapan ko yung sarili ko. :)

Comment by watusiboy

hmm…ok lang yan…kasi in their on way..ganyan din nararamdaman nila for other people that they care about…ako…iniwan with two kids na sobrang baby pa…ganyan din..walang paki…ginamit na’t lahat deadma pa din…have to go on with life…in the long run…ikaw din naman ang magpapasaya sa sarili mo eh..goodluck!

Comment by ella

hahaha…
ala lang nag try lang po…
well if yumaman ako….ipupublish ko lahat ng sinulat mo at gagawin nating libro!…hehehe

ate

” hahahaha..galing2x nmn..gue antayin ko ang pagyaman mo te..hahahaha..apirrrrrrrr! ;-)

Comment by mhyumi

Bata..this is the last time namagagamit ko ang Pc dito sa Office..mamimiss kita..pati natong pwesto ko sobra, mamimiss ko pati yang PC mong may tupak…actually lahat yata nangbagay at tao dito mamimiss ko,,,,huhuhuhu hayz keep in touch parin tau palgi ..txt..txt nalang tau…goodbye….girl….

Comment by tajie

hay naku taray ha parang naka pag isip dn naman ako hnd na ako mag papakanga sa isang taong mahal ko

Comment by baby

tama, tapusin mo na ang pag-emote.
sabi sakin ng kaibigan ko 12 minutes lang daw talaga tumatagal yung pain sensation natin, pagka lumampas pa dun tayo na lang daw ang may gawa nun sa sarili natin.

Comment by prinsesamusang

anlungkot namn nun… tama si musang.. alam ko rin un…so ang gawin mo, mag blog ka na lang ng mga nakakatuwang bagay,… take ur mind off that sadness ika nga…

Comment by ronturon

oi, kamusta ka na!?

ayos lng po ako,.,,mejo bz lng po..hehhee

Comment by foobarph

merry krismas! ^_^ salamat sa pakikipagkwentuhan… nawa’y pagpalain tayong lahat ni Batman, este ni Papa Jesus.

hanggang sa muling pagbubungguan!

~Ang May-aKDa…

Comment by aKDa

bataaaaa! musta na?

maliGEISHAng bagong taon sayu!

Comment by Geisha




Leave a comment
Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>