batabatuta blog


…akala ko okay na ako…
May 22, 2008, 3:10 am
Filed under: moments, senti-sentihan

Lately I’ve spending my time sa pagmumukmok, pag-iiiyak, pagtatago ng mga nararamdaman, pag-iwas sa isang taong kailangan ko nga bang iwasan at pagsasayang ng oras para damahin at ilugmok ang aking sarili sa mga sakit na naramdaman ko para sa isang taong hindi ko alam kung talaga bang tinanggap ang buong pagkatao ko o sadyang ginamit lang talaga, inabuso at ti-nake-advantage lang ang pagiging mabait ko all this time. Kung ano man ang mga reasons niya hindi ko alam at hindi ko na rin maintindihan.

Masyado na akong nasaktan sa mga nangyayari sa buhay ko. Masyado na rin niya akong sinasaktan. Sakit na hindi naman niya nakikita or else hindi niya talaga nakita. I’ve been experiencing it almost 20 years of my existence na wala man ni isa ang nakakaramdam, or else wala talagang nakaramdam. Hindi ko alam kung may personality disorder ba ako, magulo lang utak ko o sadyang mas masaya lang ako kapag ako lang mag-isa humaharap sa problema ko kaysa i-share ito sa iba at lunurin ang aming mga sarili sa alak. Narealized ko kasi na after naman nun, hindi pa rin mawawala ang problema, andun pa rin naman, at may dumagdag pa…hang-over.

Hindi ko pa rin maitatangging nasasaktan pa din ako everytime na nakikita ko siya. Paano ko naman maiiwasan yung taong dapat kong iwasan if we are both living in the same roof? Mahirap, masakit at higit sa lahat hindi ko talaga kaya. Ewan ko ba kung anong meron ang taong ito at hanggang ngayon siya pa din ang pinagsisintir ko. I can’t blame myself naman kasi sabi ko sa sarili ko this time ako naman ang tama. This time kaw naman sana ang humingi ng sorry, this time kaw naman ang umintindi at intindihin ako. Hindi ko alam kung anong iisipin mo or magiging reactions mo once na mabasa mo ito. Pero I’m sure negative na naman ang sasabihin mo. Kelan ka ba naging positive ang mga opinions mo pagdating sa akin? Kelan mo ba na-appreciate ang mga ginawa ko? Kelan mo ba nasabing this time ako naman ang magaling? Wala naman di ba? And I can’t remember any.

Hindi madali para sa akin ang hindi ka pansinin o magparamdam man lang sau. Hindi madali para sa akin ang isantabi lahat ng mga moments natin. Mula sa mga happy moments hanggang sa mga times na pareho tayong naiiyak dahil sa mga pinaggagagawa, kalokohan at mga times na nasasaktan tayo pareho. Hindi ganun kadaling kalimutan yun. Hindi ganun kadaling kalimutan ang LAHAT. Kung paano kita nakilala, naging kaibigan, pinahalagahan, tinulungan, ibigay ang lahat ng kaya kong iibigay at higit ulit sa lahat hindi ganun kadali ang kalimutang minsan minahal kita at nagkaroon ka ng mumunting spot sa body system ko. Hindi ganun kadali alisin ang mga moments mo whether it is happy or sad. “HINDI GANUN KADALI…at HINDI MO LANG ALAM KUNG GAANO KASAKIT ang nararamdaman ko ngayon. WALA KA NAMAN KASING PAKIALAM SA AKIN DI BA? AT KAHIT KAILAN HINDI KA NAMAN NAGKAROON NG PAKIALAM.”

Ewan ko ba, kaiba ka sa lahat ng nakilala at pinahalagahan ko. Kaiba ka rin sa taong minsan na rin akong naging sunud-sunuran at naging tanga. Masakit yung ginawa niya at until now ginagawa pa rin niya. Kala ko I’m finally move on with that feeling pero until now hindi pa rin pala. At masakit isipin na until now, NAGPAPAKATANGA pa rin pala ako. Hindi na nga lang sa kanya kundi sa’yo naman. Haysz.

Sabi nga ng mga kaibigan ko, wala na raw martir sa mundo at hindi na rin daw uso ang pagpapatayo ng monumento sa Luneta. Mahal na raw kasi ang semento. Hindi ko alam kung MARTIR nga ba ako o sadyang kaiba lang talaga ako sa iba kung magmahal. Hindi ko alam. Minsan tinanong ko rin ang sarili ko, Mahirap ba akong mahalin? Or Hindi ba ako karapat-dapat na mahalin? Pero until now hindi ko pa rin nahahanap ang mga sagot sa sarili kong tanong. Mahirap kasi ang mag-assume. Mahirap ang umasa na wala ka naman dapat asahan. Hays, life nga naman. Naisip ko, hindi naman ako demanding, hindi rin naman ako mapaghanap ng mga bagay na alam kong hindi nila kayang ibigay. All I want in this damn life is to have someone whom I can share the rest of my life with. (Oh, di ba hindi naman demanding yun? Minsan naiisip ko kung nahihirapan din ba ibigay ni Papa God ang mga wishes natin? Minsan kasi kailangan muna natin ng maraming experiences before we can get what we really want, we need to exert more effort para lang makuha yun. Hindi ba pwedeng at one click ayun na? nasa sa’yo na ang mga gusto mo? Si Papa God talaga, matalino din. Haysz.)

Kala ko tapos na ako sa senti at emote mode with you, pero hindi pa rin pala. Kasi habang nakikita at naaaninag ko ang presence mo, hindi ko alam kung bakit ako ang nakakaramdam ng guilt feeling at pains na dapat sana nararamdaman mo. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang hindi ka man lang naging apektado sa mga away natin, nasasaktan ako kapag nalalaman ko sa iba kung ano ang dating sa’yo ng mga pinagagagawa ko. Nagmumukha na nga akong tanga pinagtatawanan mo pa ako. Grabe ka naman manakit.

Hindi ko alam kung ano ang kaibahan ko sa mga kaibigan mo na lagi mong kinukwento at pinagchachagaan ko naman pakinggan. Kung bakit kapag sila ang galit sa’yo sobra kang affected. Affected na hindi ko man lang nakita sa’yo everytime na meron tayong tampuhan at misunderstanding tulad ngayon? Bakit nga ba kapag sila sobra ang concern mo at wishes na sana maging okay na kayo sooner or later? Bakit pag ako hindi? Sobra na ba kitang na-spoiled kaya parang balewala na sa’yo kapag ako naman ang nagalit?Hindi ka man lang ba natakot na magalit ako? Kung tutuusin ang dami-daming reasons na pwede or may posibilidad na magalit ako sa’yo. Kasi ang dami-dami kong pwedeng isumbat at isisi sa’yo, pero hindi ko naman magawa or magagawa. Kasi alam mong hindi kita matitiis. Kasi alam mong HINDI KITA KAYANG SAKTAN. Kasi alam mong kahit anong mangyari or ilang beses man tayong mag-away- bati alam mong ako pa rin ang makikipagbati. Ako pa din. AKO NA LANG PALAGI. Kasi alam mong all this time ako pa rin ang gagawa ng way para maging maayos at bumalik ulit ang lahat sa dati. Kasi alam mong gagawa at gagawa ako ng way para maayos ang mga bagay na dapat ayusin kahit na hindi mo ako pinapansin. Masakit yun kala mo ba?

Akala ng iba okay na ako. Akala nila I finally move on sa lahat ng pains na dulot mo. Akala ko rin eh. Yun pala until now hindi pa rin pala. Hindi kasi ako marunong kung paano makalimot at hindi ka rin ganun kadali para kalimutan. HINDI GANUN KADALI KALIMUTAN ANG MGA KATANGAHAN KO. I am trying so hard para gawin ang mga bagay na alam kong hindi ka magiging konektado. Umiwas na ako sa’yo. Hindi na ako umuuwi ng bahay para lang hindi mo makita ang pagmumukha ko at hindi ka na rin mainis. Yun parang gagawa ako ng isang bagay na alam kong hindi ka masasama sa mga iisipin ko. Pero hindi pala ganun kadali yun. Kasi sa lahat ng bagay na ginagawa ko sa buhay ko even now, kasama at naiisip pa rin kita. Ano bang ginawa mo at naging ganito ako?

Ayoko ng masaktan. Nasasawa na akong masaktan. Uhaw ako sa kaligayahan, ngunit naiimpatso na ako sa sama ng loob. Ayoko ng durugin ng husto ang puso kong halos durog na durog na. Kung kaya kong magpasaya ng ibang tao bakit ang sarili ko hindi ko kayang pasayahin? Ano ba ang mali? At ano rin ba ang tama? I’m sick and tired na sa mga ginagawa ko, at hindi na rin ako masaya. Kaw ba masaya?

Nasasaktan talaga ako ngayon. Nasasaktan ako to the point na ganun ba katindi ang ginawa ko para hindi mo ako pansinin? Pakshet naman. Napakabato mo naman. The last time na naging okay tayo, I’ve told myself that, that would be the last time na masasaktan ako. It took me almost 6months to heal the entire wound you have caused me. Ewan ko kung bakit pagdating sa’yo sobrang tagal ko bago maka-recover. Sobrang tagal ko bago makalimutan ang lahat ng ginawa mo sa akin. Sobrang sakit kasi. SOBRA talaga. Pain and wounds have been disappeared, but the scars still lingers. Sawa na ako sa nangyayari sa atin Bata, paulit-ulit na lang. Kaw ba hindi ka rin ba nasasawa na paulit-ulit mo akong sinasaktan? Hindi ka rin ba napapagod? Kasi ako sobrang pagod na pagod na….SOBRANG PAGOD NA KAKAHABOL SA’YO…haysz…

Sana masaya ka na. Sana masaya ka na sa lahat ng ginagawa mo kasama ng mga bagong kaibigang pinagmamalaki mo. OO, hindi nila ako katulad. Simple lang naman kasi ako at hindi katulad nila na talaga namang may ipinagmamalaki. Pero sana hindi rin dumating yung time na iwan ka nila tulad ng ibang nang-iwan sa’yo noon. Hindi ko kasi kayang makita ka na namang umiiyak ng dahil sa kanila. Ako nga hindi ko magawang paiyakin ka dahil ako ang mas nasasaktan kapag umiiyak ka. Ayokong makita kang lumuluha. Hindi ko kaya. Hindi man tayo okay sa ngayon, hindi ko naman hahayaan na saktan ka ng iba. All I want for you is to be happy. KALIGAYAHANG AYAW MONG IBIGAY KO SA’YO, at happiness na you refuse to receive. Sakit non pero wala naman akong magawa eh. Eh, sino ba naman ako di ba?

Tama na nga to, di mo naman mababasa eh, at alam kong hindi ka rin naman interesadong basahin ang mga ka-emotan ko. Tapos na ako mag-emote. Tapos na kong magmukmok para sa taong hindi ko alam kung tinanggap nga ba ako. .Basta sana masaya ka na. Sana wala na yung lahat ng mga pains at bitterness na pilit kong inaalis jan sa puso mo. Basta sana masaya ka na kahit nasasaktan pa din ako..SANA..



…pathetic side of life: kabobohan…
May 20, 2008, 10:29 am
Filed under: senti-sentihan

ramdam mu ba ung tipong ang daming panahon na ang nakaraan..pero gang ngayun, di mo pa rin nasasabi sa knya totoong nararamdaman mu..ilang beses mu ng nasabi sa sarili mo na ok ka na..andami mo ng taong nakilala..pero wala..andun pa rin ung kagustuhan mo na makuha ung bagay na matagal mu ng gusto..ung taong matagal mu ng pangarap..ilang beses mu ng kinumbinsi ang sarili mo na ok lang na makita mo xang masaya sa iba..bsta ba masaya xa eh..yaan na lang..pero pag anjan na..kasama mo xa..kasama nya jowa nya..wala ka ng ibang magawa kundi pasimpleng umiyak..kahit simpleng ngiti ndi mu magawa..wala kang ibang masabi sa sarili mo kundi.. “putangina! dapat akin xa eh!” hahaha..ung bagay na sinasabi mu dati..biglang nawaawala..di mu kayang makita xang masaya sa iba. mahirap tanggapin..OA mu kasi sa pagiging tahimik eh! yan tuloy muka kang tanga ngayun!

*********************************************

isang simpleng tanong na hindi mo masagot.. “bakit ndi nya magawang maging masaya saken?” tapos magpapakalunod ka sa alak.. makalipas ang ilang araw..ilang linggo..ilang bwan..masasabi mu nalang.. “nakakabuntis pala ang alak!” bwahahaha..joke! nasubukan mu naba kasi xang tanungin? malay mo..mahal ka nya nga lang lumalayu xa dahil sa simpleng pagtatabuy mo..di mo alam, pero sa mga simpleng galaw mo, simpleng pagsasalita..meron kang nagagawa at nasasabi para lumayu xa sayo..maxado ka kasing taklesa..walang pakelam sa mundo..yan tuloy napapala mo!subukan mong magatanong at makinig sa sagot ng mga tinatanung mo..baka sakaling may matutunan ka..

*********************************************

auko na..tinatamad nako..maxadong magulo isip ko ngayun para magisisp ng derecho..ng matino..isa lang naman patutunguhan nito eh..isang tanong lang ang dapat sagutin sa huli.. “anu b talagang prublema mo?

isang walang kwentang post ng walang magawa.. 😀

“di kita maintindihan..nung prublema mo..subukan mong magsalita para maintindihan kita..di ako tulad ng bubuyog na nakakabasa sa pagkembot ng pwet ng kapwa bubuyog..ka-emote ka!”

o_O



…labing isa…
May 5, 2008, 12:12 am
Filed under: tagsz | Tags:

Name 11 people you can think of right off the top of your head. Don’t read the questions underneath until you write the names of all the 11 people. This is a lot funnier if you actually randomly list the names first. No cheating.

———————————————————–

1. Maria Margarita

2. Lotah

3. Ma. Pierre Valeree

4. Mommy Cam’s

5. Donna Marie

6. Diana Vee

7. Edgardo

8. Joel

9. Margarita

10. Michelle

11. Lera

1. How did you meet # 4? Sa wordpress..blog world

2. What would you do without #5? Marami.,.pero di masaya…

3. What would you do if #2 and # 6 were going out? Ayuko…may mangyayaring masama eh..hahaha..mabubuko ako sa mga kalokohan ko..hahaha

4. Who’s #10’s best friend? Di ko kilala eh..malay ko ba sa kanya….

5. Have you ever eaten around #1? Yah!

6. Do you miss #2? SOBRA….AS IN SOBRA…

7. Who is #11 dating? Hmm…sikretong malupit eh..di pedeng sabihin.,.

8. What do you think of #3? Bestbuddy ko to..at totoong tao to..never in my life na nagkaron kmi ng away not unless inaway ko sia for no reasons..hehehee..She’s one of a kind…endangered specie na kasi eh..

9. What do you think of #9? Ah.. Makulet. Chickgirl. Hinahabol ng chicks, at ng boys. HAHAHAHA! Ayan, eh, bubbly na nilalang, patawa, at malanding bata…sobrng koboy….as in,,the best..

10. Who does #2 like? Ala daw. Sikret. Landi no?

11. Would you marry #8? Haha. No thanks.

I tag…

1. Majals

2. Kuya wei

3. Ate clio

4. geisha

5. kuya mongol

6. mommy cam’s (kahit na lam kong bihira na sia mag-open…)



…galing kay ate lingling bells
May 4, 2008, 11:59 pm
Filed under: tagsz | Tags: , , , ,

ngayon ko lng po nabasa tag ni ate ling2 kea now ko lng nagawa….chaka..mejo emo mode ako eh…haysz…

The Twelve Months

  • JANUARY: Stubborn and hard-hearted Ambitious and. loves to teach and be taught. Always looking at people’s flaws and weaknesses. Likes to criticize. Hardworking and productive Smart, neat and. Sensitive and has deep thoughts Knows how to make others happy. Quiet unless excited or tensed Rather reserved Highly attentive. Resistant to illnesses but prone to colds. Romantic but has difficulties expressing love. Loves children. Loyal. Has great social abilities yet easily jealous Very stubborn and money cautious
  • FEBRUARY: Abstract thoughts. Loves reality and abstract. Intelligent and clever. Changing personality. Attractive. Sexy. Temperamental. Quiet, shy and humble. Honest and loyal. Determined to reach goals. Loves freedom. Rebellious when restricted. Loves aggressiveness. Too sensitive and easily hurt. Gets angry really easily but does not show it. Dislikes unnecessary things. Loves making friends but rarely shows it. Daring and stubborn. Ambitious. Realizes dreams and hopes. Sharp. Loves entertainment and leisure. Romantic on the inside not outside. Superstitious and ludicrous. Spendthrift. Tries to learn to show emotions.
  • MARCH: Attractive personality, Sexy, Affectionate. Shy and reserved. Secretive. Naturally honest, generous and sympathetic. Loves peace and serenity. Sensitive to others. Loves to serve others. Easily angered. Trustworthy. Appreciative and returns kindness. Observant and assesses others.Revengeful. Loves to dream and fantasize. Loves traveling. Loves attention. Hasty decisions in choosing partners.Loves home decors. Musically talented. Loves special things. Moody.
  • APRIL: Active and dynamic. Decisive and hasty but tends to regret. Attractive and affectionate to oneself. Strong mentality. Loves attention. Diplomatic. Consoling, friendly and solves people’s problems. Brave and fearless. Adventurous. Loving and caring. Suave and generous. Emotional. Aggressive. Hasty. Good memory. Moving. Motivates oneself and others. Sickness usually of the head and chest. Sexy in a way that only their lover can see.
  • MAY: Stubborn and hard-hearted. Strong-willed and highly motivated. Sharp thoughts. Easily angered. Attracts others and loves attention. Deep feelings. Beautiful physically and mentally. Firm Standpoint. Needs no motivation. Easily consoled. Systematic (left brain). Loves to dream. Strong clairvoyance. Understanding. Sickness usually in the ear and neck. Good imagination. Good physical. Weak breathing. Loves literature and the arts. Loves traveling. Dislike being at home. Restless. Not having many children. Hardworking. High spirited. Spendthrift.
  • JUNE: Thinks far with vision. Easily influenced by kindness. Polite and soft-spoken. Having ideas. Sensitive. Active mind. Hesitating, tends to delay. Choosy and always wants the best. Temperamental. Funny and humorous. Loves to joke. Good debating skills. Talkative. Daydreamer. Friendly. Knows how to make friends. Able to show character. Easily hurt. Prone to getting colds. Loves to dress up. Easily bored. Fussy. Seldom shows emotions. Takes time to recover when hurt. Brand conscious. Executive. Stubborn.
  • JULY: Fun to be with. Secretive. Difficult to fathom and to be understood. Quiet unless excited or tensed. Takes pride in oneself. Has reputation. Easily consoled. Honest. Concerned about people’s feelings. Tactful. Friendly. Approachable. Emotional temperamental and unpredictable. Moody and easily hurt. Witty and sparkly. Not revengeful. Forgiving but never forgets. Dislikes nonsensical and unnecessary things. Guides others physically and mentally. Sensitive and forms impressions carefully. Caring and loving. Treats others equally. Strong sense of sympathy. Wary and sharp. Judges people through observations. Hardworking. No difficulties in studying. Loves to be alone. Always broods about the past and the old friends. Likes to be quiet. Homely person. Waits for friends. Never looks for friends. Not aggressive unless provoked. Prone to having stomach and dieting problems. Loves to be loved. Easily hurt but takes long to recover.
  • AUGUST: Loves to joke. Attractive. Suave and caring. Brave and fearless. Firm and has leadership qualities. Knows how to console others. Too generous and egoistic. Takes high pride in oneself. Thirsty for praises. Extraordinary spirit. Easily angered. Angry when provoked. Easily jealous. Observant. Careful and cautious. Thinks quickly. Independent thoughts. Loves to lead and to be led. Loves to dream. Talented in the arts, music and defense. Sensitive but not petty. Poor resistance against illnesses. Learns to relax. Hasty and trusty. Romantic. Loving and caring. Loves to make friends.
  • SEPTEMBER: Suave and compromising. Careful, cautious and organized. Likes to point out people’s mistakes. Likes to criticize. Stubborn. Quiet but able to talk well. Calm and cool. Kind and sympathetic. Concerned and detailed. Loyal but not always honest. Does work well. Very confident. Sensitive. Good memory. Clever and knowledgeable. Loves to look for information. Must control one self when criticizing. Able to motivate oneself. Understanding. Fun to be around. Secretive. Loves leisure and traveling. Hardly shows emotions. Tends to bottle up feelings. Very choosy, especially in relationships. Systematic. Hindi ko alam kung totot ang mga characters na to..pero alam ko ung ilan sa mga ito tumpak..hahaha,,,kau nlng po bhala if maniniwala kau or hindi..haysz
  • OCTOBER: Loves to chat. Loves those who loves them. Loves to take things at the center. Inner and physical beauty. Lies but doesn’t pretend. Gets angry often. Treats friends importantly. Always making friends. Easily hurt but recovers easily. Daydreamer. Opinionated. Does not care of what others think. Emotional. Decisive. Strong clairvoyance. Loves to travel, the arts and literature. Touchy and easily jealous. Concerned. Loves outdoors. Just and fair. Spendthrift. Easily influenced. Easily loses confidence. Loves children.
  • NOVEMBER: Has a lot of ideas. Difficult to fathom. Thinks forward. Unique and brilliant. Extraordinary ideas. Sharp thinking. Fine and strong clairvoyance. Can become good doctors. Dynamic in personality. Secretive. Inquisitive. Knows how to dig secrets. Always thinking. Less talkative but amiable. Brave and generous. Patient. Stubborn and hard-hearted. If there is a will, there is a way. Determined. Never give up. Hardly becomes angry unless provoked. Loves to be alone. Thinks differently from others. Sharp-minded. Motivates oneself. Does not appreciate praises. High-spirited. Well-built and tough. Deep love and emotions. Romantic. Uncertain in relationships. Homely. Hardworking. High abilities. Trustworthy. Honest and keeps secrets. Not able to control emotions. Unpredictable.
  • DECEMBER: Loyal and generous. Sexy. Patriotic. Active in games and interactions. Impatient and hasty. Ambitious. Influential in organizations. Fun to be with. Loves to socialize. Loves praises. Loves attention. Loves to be loved. Honest and trustworthy. Not pretending. Short tempered. Changing personality. Not egotistic. Take high pride in oneself. Hates restrictions. Loves to joke. Good sense of humor. Logical.

O ayan, ipapasa ko naman to kila:

(1) majals (2) kuya denz (3) kuya mongol (4) ate akda (5) kuya wei

Eto daw ang rules:

1. Mention the person who tagged you and create a link back to them.
2. Copy-paste the traits for all the twelve months.
3. Pick your month of birth.
4. Highlight the traits that apply to you.
5. Tag 12 people and let them know by visiting their blogs and leaving a comment for them.
6. Let the person who tagged you know when you’ve done it!



…an affirmation for letting go…
April 22, 2008, 8:51 am
Filed under: senti-sentihan

I am willing to trust. I know that to the degree I am willing to give up my search for a healthy love relationship, I can have it. I know I can have whatever I am ready and willing to receive. Individual receptivity is everything. Without it, nothing changes. With it, all things are possible. I no longer insist upon my choice.

I know that the only thing I lose when I let go of something I am afraid to live without is the fear itself. I am stronger than anything that frightens me!

I let go of the past, and I am free to think clearly and positively in the present. I am not my past.

Letting go is the natural release which always follows the realization that holding on is an energy drain and it hurts. Letting go happens effortlessly when there is no other choice. Letting go does not mean giving up.

“A life without love in it is like a heap of ashes upon a deserted hearth — with the fire dead, the laughter stilled, and the light extinguished.”

Letting go is a journey that never ends. NEVER. It only begins — over and over again — each time I can glimpse something higher than my own painful certainty over who I think I am. There is always something higher; a life beyond the limits of my present sight.

To see what is farther I must be willing to lift my eyes from their present point of focus. Release always follows revelation and real revelation is always a glimpse of something that was only just out of sight.

I know that stress in my love relationship exists because I insist! What I resist persists. I am tied to whatever I avoid.

The heart loves, but moods have no loyalty. Moods should be heard but never danced to.”

It is a mistaken belief that I must push my love relationship in the direction I choose that keeps me in a strained and unhappy relationship with it. Reality has its own effortless course, and I can either embrace its way or struggle endlessly with mine.

I do not need power to flow.

I let go of that part of myself that is certain it is better to suffer and feel like someone than it is to just let go and quietly be no one. I give birth to a new me that never have to hold on to anything because it is already everything.

I dare to walk away from all of the familiar but useless mental and emotional relationships that give me a temporary but unsatisfactory sense of self. My true identity is calling me and to hear it I must be willing to endure, for as long as necessary, the fear of self-uncertainty.

This form of seeming self-abandonment eventually turns into my greatest pleasure as it becomes increasingly evident that the only thing certain about fear is that it will always compromise me. When it comes to who I really am, there is no compromise.

Let go of the past. The past is yesterday. It is irretrievable. When you relate to the past, you relate to no one or any thing. You are literally talking to yourself. No one else is listening. You have already heard all you have to say about that, so, let go.

“”You cannot really not let go what has already gone. It must be, therefore, that you are maintaining the illusion that it has not gone because you think it serves some purpose that you want fulfilled.”

It is certifiable insanity to conjure up your own reality based on the past and relate to it, rather than to relate to the present which is the only reality.

I am saying goodbye to the past and hello to the present.

I am enthusiastic about who I am becoming! I know that no one sincerely asks for a new life until they are thoroughly dissatisfied with the old one. I am and I let go. When I allow myself to let go of what is old, I stay true to what is new.

I believe that as with all insight, higher understanding itself contains not only the instructions I must follow, but the strength I will need to carry them out.

Starting life over again is the key to a new me. I see the beauty and significance of starting over – over and over and over. Every present moment is always new and new is always right now! The new dies to the ever-new in an endless celebration of Life.

This is it!

I live in the present. I never let the past dictate the direction of the present moment. I give my best to my endeavors.

What lies ahead for me can only be good.

True peace and harmony are a part of who I am.

I have come to the realization that what is possible for me to become only truly changes when I am willing to see what is impossible for me to continue being.

My true nature is already fully independent and flying freely. I have found my wings.

“…waLa lang.,..gusto ko lang mag-emote mode…gusto ko lang ipakita na kaya na kitang i-let go..OO..masakit yun..pero mas masasaktan ako kapag pinagpatuloy ko pang lokohin ang sarili ko…”



“salamat”
April 21, 2008, 8:40 am
Filed under: moments, senti-sentihan

Hindi ko alam kung anong meron ka na wala ang iba.. Ang dami kong gustong sabihin sa’yo pero di ko alam kung paano ko uumpisahan ng hindi ako makakasakit ng isang taong sobrang naging espesyal sa buhay ko..Hindi ko alam kung bakit kay laki na ng pinagbago mo. Hindi ko alam kung bakit hindi ka na masaya sa dating pagiging simple mo lang. Dati lahat ng bagay sayo’y napakasimple lang, pero bakit ngayon hindi na?? Masyado ka na bang naapektuhan ng mga pagbabago ng mundo kaya pati sarili mo nagbago na rin?

Hindi na ako masaya sa kung anong meron ka ngayon. Pero pinipilit kong intindihin ka kasi alam kong jan ka sasaya sa mga sinasabi mong pagbabago. “You always told me, people changed and when they’ve changed, it’s for the better”. Yeah, tama ka at hindi kita masisisi sa way of thinking mo. Ang sa akin lang is, masaya at tanggap ko kung ano ka nung una kitang nakilala, masaya na ako sa pagiging ganun mo. Hindi mo naman kailangan magbago para matanggap ka ng ibang tao.

Habang nagbabago ka, lalong nagbabago na rin ang tingin ko sa’yo. Minsan naiisip ko kung kilala pa ba kita? Minsan kasi hindi na. Ayokong magtanong kasi ayokong masaktan sa isasagot mo. Kasi baka hindi ko kayanin ang sakit na mararamdaman ko sa bawat katagang lalabas sa’yo. Sabi ko naman sa’yo masaya na ako sa kung ano man ang mararating mo sa buhay. Masaya na akong kapag naging masaya ka. Pero bakit iba ang iniisip ko sa nararamdaman ko? Iba ang sinasabi ng utak ko sa puso ko. Sadyang napakagulong intindihin ang mga nangyayari lately. Kaw lang ang masaya. At ako hindi. Masyado akong na-attached sa’yo na pati sarili ko hindi ko na rin kilala. Ni hindi ko matanong ang sarili ko kung nag-eenjoy ba ako or kung masaya ba ako sa ginagawa ko. Haysz..hindi ko alam, basta ang alam ko hindi ako masaya at nasasaktan ako.

Abot kamay lang kita pero tila hirap na hirap akong hawakan ka. Natatakot akong pumikit dahil baka sa pagmulat ko’y wala ka na naman. Masakit yun…, mahirap ang hindi ko malaman ang mga ginagawa mo pero pinipilit ko pa ding unawain ka. Lagi naman ganun eh, lagi kong sinasabi na naiintindihan kita pero ang totoo hindi. Hindi ko alam kung pinaglalaruan mo lang ako. Kung ginagamit mo lang ako. Kasi para bang lumalapit ka lang sa akin kapag may kailangan ka. Ayoko man isipin kasi pangit yun pero yun talaga ang nararamdaman ko.

Ginawa ko ang na lahat na sa tingin kong maganda para mapasaya ka. Ginawa ko na ang lahat para matanggap mo ako bilang ako. Pero bakit parang sa bawat ginagawa ko kaagapay ang isang milyong sakit sa damdamin ko. Sa tuwing may gagawin ako para sayo na para sa akin ay “the best” na, bakit parang sa’yo ay yun na ang pinakapangit na bagay na nakita mo sa mundo. Nasasaktan ako sa tuwing magkukuwento ka tungkol sa mga kaibigan mo samantalang ako ang kasama mo. Masakit pala ang ganun. Ikaw ang kasama pero nasa ibang tao naman ang katauhan mo. Pero hindi naman kita masisisi kung bakit. Marahil ay napakaboring ko ngang kasama kumpara sa mga tinatawag mong “circles of friends”. MASAKIT YUN… Pero ano naman ang magagawa ng isang katulad ko? Wala naman di ba? Ang tanging alam ko lang, sa tuwing ganun ang mangyayari, nanahimik lang ako…at nasasaktan. Sino ba naman ako sa buhay mo di ba?

Sa bawat araw na dumadaan ka sa harap ko na parang wala kang ibang nakita, nasasaktan ako. Tanga mang isipin na nag-eexpect ako na babatiin mo, kahit alam ko naman na hindi mo naman gagawin yon, ok lng. Masaya na akong nakita kitang nakauwi ng ligtas. Masaya na akong makita kita sa malayuan. Kahit nasasaktan ako. Lagi kang laman ng isip ko. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Siguro dahil nasanay akong lagi kang unang bumabati sa tuwing nagkikita tayo. Sa tuwing may tampuhan. Sa tuwing gusto mo lang akong kausapin tungkol sa nangyari sa’yo sa buong araw kasama ng mga kaibigan mo. dati ganun ka…nung hindi ka pa nagbabago.. Pero ngayon. hindi na kasi nga nagbago ka na…

Sabi mo sa akin, “ANG AKIN AY AKIN, ANG IYO BATA AY AKIN PA DIN!” Natatawa ako sa tuwing maaalala kong sinabi mo yun sa akin. Nung minsan ngang sinabi ko yun sa isa sa mga bestfriends ko, ang sabi niya napaka-selfish mo naman daw. Natawa naman ako sa naging reaction ko, kasi imbes na sang-ayunan ko ang mga sinabi niya, pinagtanggol pa kita. Haysz..ano nga ba talaga ang meron ka na wala ang iba? Ilang milyong beses ko nang tinanong sa sarili ko nyan. Bakit ba hindi kita mai-let go despite that you are the one who always hurt me… Masyado mo na akong nasasaktan. Pero para bang wala kang alam. Inisip ko kung sa simula’t sapul ba itinuring mo ba akong isang kaibigan? Minsan hindi ko alam kung pinaniniwalaan mo ang lahat ng mga sinasabi ko sa’yo. Kasi sa tuwing magkukuwento ako about sa naging experience ko para bang o talagang hindi ka interesado. Na para bang nanonood ka ng mga telenovela sa television. Naiiyak ako sa tuwing ganun ang nagiging reaksyon mo. Naiiyak ako dahil naaawa ako sa sarili kong pinagmumukha mo akong tanga. Minsan gusto kong sumbatan ka sa lahat ng naitulong ko sa’yo. Minsan gusto kong sabihin na masaktan at tamaan ka naman. Minsan gusto kong iparamdam ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa tuwing ikaw ang naiisip, nakikita at nakakasama ko. Pero hindi ko magawa at hindi ko pa din alam kung bakit.

Saksi ang unan, kumot, lapis at papel sa bawat araw na nagsusulat ako sa diary ko about sa’yo. Kung nakakapagsalita lang siguro ang mga ito, malamang walang humpay ang maririnig kong sermon about sa’yo. Malamang masuffocate na ako sa mga sasabihin nila. Hindi ko naman sila masisisi eh. Kasi kahit saang anggulo kung titingnan ako pa din ang may kasalanan kasi hinahayaan kong saktan mo ako. Hinahayaan kong madama ang mga masasakit na feelings na ikaw lang ang tanging alam kong nakakagawa.

Nasasaktan ako.. OO yun talaga ang nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan ako kasi naisasantabi ako ng taong halos ibigay ko na ang lahat. Nasasaktan ako kasi hindi ko kayang saktan ka. Umaasa akong one day sasabihin mo sa akin na “I’m sorry sa lahat ng ginawa ko. I’m sorry kasi nasaktan kita”. Pero parang napakatagal na panahon ang hihintayin ko bago mangyari yon. Haysz…ANO BA ANG MERON KA NA WALA ANG IBA.

Hindi ko man lang masabi sa’yo lahat ng nararamdaman ko. Ni hindi ko man lang nga masabing sobrang MISS NA KITA KAYA NAKASULAT AKO NG BLOG NA GANITO! Ni hindi nga kita matanong kung ayos ka lang ba jan o kung ok ka lang ba. Ayokong itext ka kasi sasabihin mo na naman na “ano na namanng kadramahan yan???”. Tama ka madrama nga ako, at sa pagiging kadramahan ko naipapakita ko kung sino talaga ako at hindi ko na kailangan ang magbago tulad mo.

Umaasa akong babalik ang lahat sa dati kahit alam kong malabo na yon. Nasaktan mo na ako ng maraming beses at ayoko na ulit bigyan ka ng isa pang pagkakataon na saktan muli ako. Kasi baka di ko na kayanin talaga. MAHAL KITA. WALANG DUDA. Pero kung dahil sa pagmamahal na yan binabago mo ang pagkatao ko, mas maganda sigurong isantabi ko nalang muna ang pagmamahal na yan. BATA pa ako. At alam ko MARAMI pa jan ang alam kong magmamahal sa akin HIGIT sa binigay mong pagmamahal sa akin bilang KAIBIGAN. Pinangako ko sa’yo na hinding-hindi kita iiwanan at kakalimutan at handa akong tumupad sa sumpa kong iyon. Gusto ko lang muna kilalanin ang sarili ko. Gusto ko lang muna lumabas sa hawlang pinagkulungan mo ng pagkatao ko. Gusto kong kilalanin ang mundo kung saan Malaya akong makakakilos sa lahat ng bagay na gusto kong gawin at magiging masaya ako. you will always be my “toooot…..” forever…nothing in this big damn world can ever change that. Gusto ko lang huminga. Gusto ko lang mag-explore. Gusto ko lang hilumin ung mga bearings, sufferings and pains you’ve caused me para sa PAGBABALIK KO.. Ready na ulit akong masaktan. Ready na akong mag-move on…at ready na akong tanggapin ang BAGONG IKAW.

“Salamat kasi pinamulat mo sa akin na masyado na akong napag-iiwanan ng panahon at mundong dapat sana ay kinabibilangan ko ngayon. Salamat kasi hinayaan mo akong hanapin ang sarili kong matagal na palang nakatago sa hawlang pinagkulungan ko nito. Salamat…Maraming salamat sa lahat ng sakit na binigay mo para marealized ko ang kakulangan ng pagkatao ko. Sana lang sa pagbabalik ko HINDI KA NA NAGBAGO para HINDI naman masayang LAHAT ng pinaghirapan ko para TANGGAPIN ang BAGONG IKAW.”



…first time…
April 11, 2008, 12:07 am
Filed under: tagsz | Tags:

…nakakatuwa naman tong day na to..bkit kamo??hehehe…eh kasi naman, eto yung araw na dadagdag na naman ng isang taon sa buhay ko..haysz…i’m not getting any younger na…hahaha…ngayong araw na rin nato nang umpisahan kong gawin ang tag ni mommy cam’s…aktuwali, nakakahiya nga dahil nagtanong pa ako sa kanya kung pano gawin yun…hindi ko naman kasi alam kung pano gawin yun eh…hehehe..kaya heto sinubukan kong gawin..naisip ko wala naman masama kung itatry ko di ba?ang masama is yung alam mong kaya mo naman gawin pero hindi mo naman naitry…haysz…

so heto naman ung kinalabasan ng yon:


You Are Independent Sexy


You drive men crazy with your “playing hard to get act”
Except, it’s really not an act at all.
You’re a strong, sexy woman with her own life and interests.
And that makes men even more interested in you!
What Kind of Sexy Girl Are You?

..hindi ko lam kung ako nga ba ito, hehehe..too young para isipin ang mga ganitong bagay..pero alam ko..hindi ako sexy…hahaha..mataba kasi ako..hahahaha…apir!!! pero despite of being fat..masaya ako..atlist kahit me shortage na sa rice, di pa rin ako mukhang nagugutom..hahahaha…apir!!

..so eto nmn ang nais kong maitag…

majalzs – para ma-experience mo rin kung pano mag-tag…hehehe..apir!!!